
Ang mga residente ng Talim Island sa Rizal ang unang natulungan ng Help From The Heart fundraising project na inisiyatibo ng magkasitahang sina Rocco Nacino at Melissa Gohing.
Katuwang ang Philippine Navy, namigay sila ng relief goods at ilang essential supplies sa mahigit 200 senior citizens sa Brgy. Janosa, Talim ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Kwento ni Rocco sa isang panayam kamakailan, "Kailangan mong i-biyahe by boat so pumunta kami sa isang port. Sasakay ka ng bangka, tapos saakay ulit pagdating do'n hanggang makarating sa barangay. Gano'n siya kalayo.
"So these are the people we wanna help that's why we are really happy na tinutulungan kami ng Philippine Navy. 'Di namin to mapu-pull off 'pag wala sila."
Sa isang vlog ni Rocco, mapapanood na sila mismo ni Melissa ang nag-repack at nag-distribute ng mg ayuda, kasama ang ilang uniformed personnel ng Philippine Navy.
Anang aktor, "We have 56 personnel, we have officers. The deputy commander of the Philippine Navy Reserve Command is also with us, so it's nice to know na maraming sumusuporta rito and we couldn't have done it without the help from our friends and family, sa mga donors, mga nagbigay.
"Big or small, it will go a long way of helping others sa panahon na ito, tulungan lang tayo."
Bilang registered nurse, nagbigay rin ng ilang safety tips si Rocco sa mga residente ng isla para mapangalagaan ang kanilang mga kalusugan kontra COVID-19.
Nag-ikot din ang grupo ni Rocco sa lugar para magbigay ng tulong sa mga frontliner na naka-destino sa mga checkpoint, matapos ang relief operation.
Panoorin ang buong vlog:
Rocco Nacino, handang mag-promote ng negosyo para makatulong
Melissa Gohing shares video of Rocco Nacino stopping car to rescue kitten on road
Rocco Nacino says his dad played significant role in his 'StarStruck' stint