What's Hot

Rocco Nacino, nangakong pagbubutihan ang pagganap sa 'Descendants of the Sun'

By Marah Ruiz
Published June 22, 2019 2:34 PM PHT
Updated June 22, 2019 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Excited na si Rocco Nacino na gampanan ang kanyang 'Descendants of the Sun' na karakter.

Sa wakas, ini-reveal na ang ilang mga aktor na magiging bahagi ng Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun.

Rocco Nacino
Rocco Nacino


Kabilang dito si Kapuso actor Rocco Nacino na gaganap bilang Sgt. Seo Dae Young o Wolf. Sa remake, Sgt. Diego Ramos ang magiging pangalan ng kanyang karakter.

Ibinahagi rin ni Rocco ang ilang litrato mula sa kanyang training. Nangako din siya na pagbubutihan ang pagganap sa role na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA.

"So now everyone knows. I'm excited and honored to be part of this huge project of @gmanetwork . Dati'y lagi ako nagtataka kung bakit ako tinatag ng mga tao pagkatapos ng Encantadia. Dahil pala kamukha ko si Jin Goo. At ngayon, magagampanan ko na mismo sya. Thank you GMA sa pagkakataon na ito! Hello twin brother @actor_jingoo , I will do my best to give justice to Wolf/ Sgt Seo Dae Young/ Sgt Diego and to portray it as well as you did. Salute! #DescendantsofTheSun," sulat niya sa kanyang Instagram account.

So now everyone knows. I'm excited and honored to be part of this huge project of @gmanetwork . Dati'y lagi ako nagtataka kung bakit ako tinatag ng mga tao pagkatapos ng Encantadia. Dahil pala kamukha ko si Jin Goo. At ngayon, magagampanan ko na mismo sya. Thank you GMA sa pagkakataon na ito! Hello twin brother @actor_jingoo , I will do my best to give justice to Wolf/ Sgt Seo Dae Young/ Sgt Diego and to portray it as well as you did. Salute! #DescendantsofTheSun

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on


Bukod kay Rocco, bahagi rin ng Descendants of the Sun sina Dingdong Dantes at Jasmine Curtis-Smith.

Magiging katuwang pa nila ang Armed Forces of the Philippines para sa serye.