Bakit malapit sa puso ni Rocco ang fight against breast cancer?
By CHERRY SUN
Napaluha si Beautiful Strangers star Rocco Nacino nang ibahagi niya ang kuwento ng kanyang ina sa press launch ng Avon Kiss Goodbye to Breast Cancer.
Naging emotional kaya hindi natapos ni Rocco ang pagbabasa ng testimonial ng kanyang inang cancer survivor sa naturang event. Ibinahagi rin niya na mahalaga para sa kanyang mapiling ambassador ng ganitong layunin.
“Through my mom, sa kanyang journey against breast cancer. That’s why every time I’m here, every time I’m doing this I really get emotional talaga,” pahayag ng aktor sa panayam ng 24 Oras.