What's Hot

Rocco Nacino, natupad ang pangarap na makapagsuot ng Tiger Battle Dress Uniform

By Dianara Alegre
Published September 28, 2020 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

rocco nacino tiger battle dress uniform


Ibinahagi ni Rocco Nacino na mas niyakap niya ang kanyang mga responsibilidad ngayong isa na siyang ganap na honorary member ng Naval Special Forces Operations Group (NavSOG).

Isa nang ganap na miyembro ng Naval Special Forces Operations Group (NavSOG) bilang honorary member si Kapuso star Rocco Nacino.

Opisyal na siyang naging kasapi ng grupo nitong September 5.

Please embed: rocco
IAT: Rocco Nacino

Ayon sa report ng 24 Oras, bunga ang karangalang ito ng marami at mabibigat na training na kanyang ginawa.

“Humaba ang pangalan ko lalo. Dahil nga sinasabi nga nila na elit group 'to, kung 600 man ang sumasali, usually parang 50 lang ang guma-graduate.

“'Yung mga ginawa kong training with them talagang narasanan ko na hindi pala biro,” aniya.

Dahil dito, ginawaran si Rocco ng tinatawag na Tiger Battle Dress Uniform (BDU) na bata pa lamang umano ay pangarap niya nang maisuot.

“Bonus lang 'yung tingin sa kanya as a reward pero 'yung pagtanggap ng responsibilities, mas niyakap ko 'yun ngayon.

“The beautiful thing about this is that NavSOG has a good relationship with Kapuso Foundation.

"At the same time, ambassador din ako ng Kapuso Foundation,” dagdag pa niya.