Celebrity Life

Rocco Nacino, naudlot ang paglipat sa bagong bahay dahil sa COVID-19 pandemic

By Jansen Ramos
Published April 28, 2020 5:39 PM PHT
Updated April 30, 2020 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino suspends house construction


Nakatakda sanang lumipat si Rocco Nacino sa kanyang bagong bahay noong Marso kung kailan niya ipinagdiwang ang kanyang 33rd birthday.

Sinuspinde muna ni Rocco Nacino ang konstruksyon ng kanyang ipinapatayong bahay sa isang subdivision sa Antipolo sanhi ng COVID-19 crisis.

Malapit na itong matapos at nakatakda sanang lumipat ang Descendants of the Sun actor noong nakaraang buwan kung kailan niya ipinagdiwang ang kanyang 33rd birthday.

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

"Naudlot talaga 'yung paglipat ko," pahayag ni Rocco sa isang Skype interview ng GMANetwork.com

"I was really looking forward to that this year.

"I was aiming on my birthday pero pati 'yung pinapagawa ko like couches, tables, all had to stop.

"I really have to adjust and really stick to the stay at home routine."

Kasalukuyang nakatira si Rocco sa isang condominium at para masigurado ang kalagayan ng kanyang ipinapatayong bahay, nag-hire siya ng isang caretaker.

"Ando'n 'yung caretaker ng house.

"Rule din 'yun sa village kung saan ako nagpapatayo ngayon na kapag wala 'yung owner, kailangan may taga-bantay sa site."

Dugtong pa ni Rocco, "Namomroblema din kami kasi 'yung resources n'ya, medyo nauubos na rin.

"So gusto naming magpadala ng relief goods para sa kanya. Nag-a-update siya sa 'min, pinatigil lahat ng trabaho do'n.

"Stop lahat, he's just taking care of the house. Kumabaga, nagagamit na 'yung bahay na hindi ako nakatira do'n."

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Excited na si Rocco na tirhan ang kanyang dream house na katas ng kanyang pagtatrabaho ng isang dekada sa showbiz.

Gayunpaman, hindi na raw niya iniinda ang pagkaudlot ng kanyang paglipat dahil proteksyon niya at ng kanyang mga trabahador ang kanyang prayoridad ngayong panahon ng pandemya.

"Isa 'yun sa mga bagay na ikinalulungkot ko because of this but it's a minor problem," paglilinaw niya.

"Once tapos na 'to, makakabalik naman ['yung construction.]

'At saka I always look at the positive side of things para mas okay kaysa bugbugin ko 'yung sarili ko kaka-worry lang sa construction ng bahay."