What's Hot

Rocco Nacino on his pro wrestling debut: 'Dream come true'

By Marah Ruiz
Published September 16, 2025 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: April 1, 2026
Libreng papsmear at breast exam, handog ng GMAKF sa 100 babae sa Cebu | 24 Oras
Social Experiment - Gasolina para sa nangangailangan; pasahero, nagbulsa ng pamasahe? | Good News

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


"Dream come true" para kay Rocco Nacino na masubukan ang pro wrestling.

Sa unang pagkakataon, sumabak si Kapuso actor Rocco Nacino sa sport na pro wrestling.

Ang una niyang match ay laban kay Thiago "The Gym Bro" Santiago na sa unang tingin pa lang ay mas malaki kaysa sa kanya.

Underdog man si Rocco, natulungan naman siya ng training niya sa mixed martial arts at jiu jitsu at naipanalo niya ang laban.


"Dream come true na maka-experience ng ganito. Pero siyempre kailangan may training din 'to. Sa match na ito, I made sure na makapag-prepare ako--makapag-training, matutong bumagsak nang tama, and of course, magkaroon ng trust sa mga partners dito," lahad niya tungkol sa kanyang pro wrestling debut.

Bukod sa pagbigay ng entertainment sa mga wrestling fans, may mahalagang mensahe rin ang naging laban niya.

"Pinakita ko na kailangan natin mag-stand up sa mga bullies. Huwag natin hahayaan na tapak-tapakan nila 'yung pride natin, ang dream natin. Kaya kanina, pinakita ko ang redemption sa pag-stand up sa mga bullies," paliwanag ng aktor.

Very sporty si Rocco pero nagsimula ang interes niya sa pro wrestling dahil sa isang prank sa kanyang misis na si volleyball star Melissa Gohing.

Nauwi sa tunay na laban ang prank na ito kaya hindi niya maiwasang mag-alala para sa asawa.

"Panay sabi niya, 'Last mo na 'yan ah.' Pero base sa sigaw ng mga tao, mukhang babalik pa 'ko dito," hirit ni Rocco.

Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Rocco Nacino para sa 24 Oras sa video sa itaas.