
“Definitely, yes!”
Ito ang diretsong tugon ng drama actor na si Rocco Nacino nang tanungin ng GMANetwork.com kung mas pinabongga pa ang mga eksena sa To Have And To Hold, kumpara noong binabasa lamang niya ito sa script.
Sa exclusive interview sa Kapuso leading man via Zoom ngayong Lunes ng hapon (October 18), nakakatuwa raw na makita na nagbunga ang collaboration ng buong team ng soap.
Saad niya, “Malaking malaking tulong na si Don Michael Perez... coming out of Love of My Life iba 'yung gusto niyang atake for his next show, which is To Have And To Hold.
“And nakakatuwa po na makita niya 'yung visions niya come to life and having everyone collaborate together para mapaganda lalo 'yung story.”
Kahit din daw ang Mommy Erlinda niya at misis na si Melissa Gohing, nakatutok sa mangyayari sa karakter niyang si Gavin.
“True enough, from reading the script to seeing it on TV mas na-appreciate ko 'yung kuwento. Sa totoo lang, mommy ko [Erlinda] at saka asawa ko [Melissa Gohing] tanong ng tanong, kung ano mangyayari sa susunod. Pero wala ako sinasabi, kahit sa kanila wala ako pini-preempt para abangan nila 'yung kada episode.”
Binalikan din ni Rocco ang isa sa pinakamabigat niyang eksena sa GMA Telebabad series, kung saan kailangan pirmahan ng karakter niya ang isang DNR (Do Not Resuscitate) form para sa asawa nito na si Dominique (Max Collins).
Laking pasasalamat daw ng former StarStruck finalist sa tulong ng kanilang direktor na si Don Michael Perez, para mas mapaganda ang eksena na 'yun.
Aniya, “It's a mix of different techniques na lang siguro. Different hugot na ginamit, 'yung iba sobrang layo walang kinalaman sa scene, 'yung iba ginamit ko rin 'yung mismong eksena.
“For example 'yung scene na kailangan mag-decide ni Gavin kung magsa-sign siya ng DNR (Do Not Resuscitate) form, sabi ko sa art department na nagbigay ng form, sabi ko, 'huwag mo muna ipapakita sa akin'.”
Pagpapatuloy ni Rocco, “Para 'yung reaksyon ko dun seeing sa do not resuscitate will really affect Gavin, 'tapos from there binabad lang ni Direk 'yung camera. Hinayaan niya ako to stand up, whenever I was ready.
“Ito 'yung sinasabi ko, sobrang collaborative 'yung buong process namin, he (Don Michael Perez) gave me the floor to walk, may cue na lang ako kung kelan ako tatayo and then he wanted me to really feel the moment, kaya for that scene medyo mahaba siya.
“Kasi Direk wanted to feel the pain and the confusion.”
Sundan ang mangyayari gabi-gabi sa mapangahas na serye na To Have And To Hold, pagkatapos ng Legal Wives sa GMA Telebabad.