
Sa last two weeks ng Mommy Dearest, mas dapat pang abangan kung ano ang gagawin ni Logan, ang karakter na ginagampanan ni Rocco Nacino, lalo ngayong malalim na sakit ang kanyang pinagdadaanan.
Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Rocco na marami pang mangyayari sa kaniyang karakter sa naturang Afternoon Prime series. Ibinahagi niya na mas lalo ito magiging mayabang, isang bagay na sa tingin niya ay nagugustuhan naman ng mga tao.
“Feeling ko nag-e-enjoy naman ang mga tao dahil may konting break 'yan sa pagiging Rocco at nakikita nila ang ibang klaseng side ni Rocco as Logan,” saad pa ng aktor.
Ngayon na nasaktan si Logan matapos i-reject ni Emma (Katrina Halili) ang kaniyang pagmamahal, saan nga ba papunta si Logan?
“Maraming mangyayari dahil hindi natin alam kung saan siya kakampi, kung kanino siya kakampi ngayon dahil talagang kinakain na siya ngayon ng kaniyang pagmamahal kay Emma and medyo napupunta na ata siya sa dark side,” sabi ni Rocco.
Babawi kaya siya? Kailangan nating abangan 'yan,” dagdag pa ng actor.
Matatandaan na sa mga nakaraang episode ng Mommy Dearest ay ipinaalam na ni Logan kay Emma ang tunay niyang nararamdaman. Ngunit dahil mahal pa nito ang asawang si Danilo (Dion Ignacio), ni-reject nito ang pagmamahal niya.
Puno ng galit, poot, at pagseselos, nakipagkuntsaba si Logan kay Jade (Camille Prats) para makuha ang mga taong mahal nila.
Subaybayan ang huling dalawang linggo ng Mommy Dearest, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.
BALIKAN ANG ILANG BEHIND THE SCENES NG TAPING NI ROCCO PARA SA MOMMY DEAREST SA GALLERY NA ITO: