GMA Logo Rocco Nacino
What's Hot

Rocco Nacino sa layuning makatulong ng GMA Gala 2023: 'Ito ang definition ng pagiging isang Kapuso'

By Dianne Mariano
Published July 26, 2023 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH companies lost P4 trillion to fraud in 2025, TransUnion says
Group condemns alleged poisoning of dogs in Samal
These are the biggest food stories of the year

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Ayon kay Kapuso star Rocco Nacino, ang GMA Gala 2023 ay makatutulong din sa ibang tao bilang ito ay isa ring fundraising event.

Nagsama-sama ang mga nagniningning na Sparkle at Kapuso stars sa naganap na GMA Gala 2023, na idinaos sa Marriott Grand Ballroom, Newport Pasay City noong July 22.

Bukod sa masayang pagsasama-sama ng iba't ibang celebrities, ang naturang pangyayari ay nagsisilbi ring fundraising event na naglalayong makatulong sa lahat ng beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation.

Ayon kay The Missing Husband actor Rocco Nacino, ang pagbibigay ng tulong sa kapwa ay ang depinisyon ng pagiging isang Kapuso.

“Ito ang definition ng pagiging isang Kapuso. As a whole, ito 'yung Kapuso side ng lahat ng artists, bosses, guests, all for one cause na magbigay tulong sa iba and it's nice to know na kami bilang artista ay nakakatulong dito.

“And, of course, ito rin 'yung chance namin na to dress our best and to reunite sa ating mga kasama rito sa Kapuso network,” pagbabahagi niya.

Para naman sa kanyang elegant formal look, suot ni Rocco ang monotone suit mula sa fashion designer na si Jaggy Clarino at ang kanyang stylist ay si Roko Arceo.

“This suit, noong nakita siya, I felt very very comfortable lalo na when Roko put in this YSL shades from Vision Express and my earrings from JJ Jiao, na lagi namin kinukuha para sa mga outfits ko,” kuwento niya tungkol sa kanyang look.

Bukod dito, masaya rin ang Kapuso actor na nakita ang non-GMA artists sa grand event.

Aniya, “Lahat kami masaya kapag nakikita ang isa't isa sa isang event. It is all good vibes.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG BRIGHTEST STARS SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO.