What's on TV

Rocco Nacino, sepanx na sa kanyang 'First Lady' co-stars; may bagong proyektong pinaghahandaan

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 25, 2022 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino in First Lady


Rocco Nacino on work: "Super swerte ni Baby N kasi grabe 'yung blessings this year." Read more:

Sunod-sunod ang mga biyayang dumadating kay Kapuso actor Rocco Nacino ngayong taon dahil bukod sa paparating nilang baby na si Baby N ay may bagong proyektong pinaghahandaan si Rocco.

Kasalukuyang gumaganap si Rocco bilang si Mayor Moises Valentin sa top-rating GMA Telebabad series na First Lady na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

"Actually, super swerte ni Baby N kasi grabe 'yung blessings this year," masayang kuwento ni Rocco kay Aubrey Carampel sa 24 Oras.

"Hindi ko aakalaing magkakaroon ako ng isa pang show."

Sa Oktobre inaasahang manganganak si Melissa Gohing, at thankful ito sa kanyang asawang si Rocco na isa ring registered nurse dahil natutulungan siya nito ngayon pa lang.

Aniya, "Alam niya 'yung mga kailangang gawin 'pag masakit 'yung likod ko kaya super thankful. Hindi siya natataranta kasi meron na siyang background."

A post shared by Melissa Gohing Nacino (@gohingmelissa)

Sa gender reveal party nina Rocco at Melissa ay masaya nilang nalaman na isang baby boy ang kanilang magiging unang anak.

Balikan ang gender reveal party para kay Baby N dito: