
Successful ang ilang buwang preparasyon ni Rocco Nacino para sa wedding proposal niya sa kanyang ngayo'y fiancee na si Melissa Gohing. Naganap ito noong November 20.
Marami ang nagandahan sa lokasyon, kung saan lumuhod si Rocco para hingin ang kamay ni Melissa, na matatagpuan sa loob ng subdivision kung saan nakatira ang aktor. Dumagdag pa ang magagandang bulaklak na nakapalibot sa burol na idinesenyo ng events florist na si Gideon Hermosa para lalong maging magical ang moment na iyon. May live saxophone at acoustic guitar music din na match sa romantic occasion.
Sa kanyang latest YouTube vlog, ipinakita ni Rocco ang kanyang mga preparasyon para sa kanyang proposal kay Melissa.
Sa simula ng video, ibinahagi ng aktor kung paano niya nalaman na si Melissa na ang 'the one.'
Ani ni Rocco, "Kapag alam mong sigurado ka na sa taong 'yun, mararamdaman mo 'yun. Marami na 'kong nakausap tungkol d'yan. Kapag ako 'yung nagtatanong, 'di ko naiintindihan. Mas naintindihan ko na no'ng ako 'yung nakaramdam.
"Sabi ko I think it's time. Oras na para pumunta sa bagong chapter and I think what better time than now. Bakit ko pa papatagalin? She's perfect. She makes me become the best of myself. I am the best version of myself because of everything I am doing now.
"She always reminds me to put God first kahit mabilis ako ma-distract. So for me, that alone is something very big. Something that really changes you. Something that really sets your mind to."
Kasabwat ni Rocco ang kanyang nakakabatang kapatid na si Kyle Nacino at girlfriend nitong si Anj para maidaos ang surprise proposal.
Ang palabas ng Kapuso star ay magkakaroon lamang sila ng isang pictorial sa nasabing burol kung saan matatanaw ang Hinulugang Taktak Falls, Laguna De Bay, at Ortigas City, kasama sina Kyle at Anj.
Ipinalabas pa ni Rocco na siya ay nagalit dahil may nagsiyu-shoot sa open hill na kanyang pina-reserve para sa "pictorial."
Walang ideya si Melissa sa mga nangyayari pero nang simulang maluha si Rocco, doon na napagtanto ng volleyball player na magpo-propose na ang kanyang boyfriend.
Ipinahayag naman ni Rocco ang kanyang nakakaantig na mensahe kay Melissa bago ilabas ang dream diamond ring nito at bigkasin ang mga salitang "will you marry me?"
Photo from Rocco Nacino's YouTube channel
Sabi ni Rocco kay Melissa, "Wala kang sawa sa pagtingin sa 'kin. That for me is crazy, crazy. I did all of these just because you deserve the best.
"I love you with all my heart and I want to spend the rest of my life with you.
"You're the most beautiful woman in the world in God's eyes and, especially, in my eyes.
"You deserve nothing but the best.
"Alam ko nakikita tayo ni God and I know He's smiling because He knows He's made the perfect match once again."
Dahil sa sweet message ni Rocco, hindi na nakapagsalita si Melissa at tinango na lamang ang ulo bilang pagtanggap sa proposal ng aktor habang umiyak.
Minabuti naman Rocco na imbitahan ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz para masaksihan ang kanilang engagement sa pamamagitan ng Zoom video conference.
Maapos ang proposal, nagsalu-salo ang newly-engaged couple kasama ang kanilang immediate families sa bagong bahay ng aktor.
Photo from Rocco Nacino's YouTube channel
"I was super happy kasi, especially, nandito 'yung family ko kasi no'ng nag-propose siya, I was looking for my family na andito sa Philippines. Sabi ko, 'bakit wala sila sa Zoom' and then when we enter the house, ando'n sila lahat and then we're gonna have dinner together. It's one of the most happiest moments of my life," pagbunyag ni Melissa.
Panoorin ang proposal vlog ni Rocco rito:
Noong September 18, 2020 ipinadiwang nina Rocco at Melissa ang kanilang third anniversary bilang mag-boyfriend at girlfriend.
Inamin ni Rocco sa isang past interview na nagkakilala sila ni Melissa sa isang volleyball game. Ayon sa aktor, sinamantala niya ang pagiging Encantadia fan ni Melissa para mapalapit sa atleta.