What's on TV

Rocco Nacino, inilahad ang best kisser na Kapuso actress

By Dianne Mariano
Published November 9, 2021 10:38 AM PHT
Updated January 3, 2023 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
On Easter, Pope Leo urges world leaders to end wars, renounce conquest
Creating with the boundless soul of an artist

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Sino'ng artista kaya ang best kisser na naka-kissing scene ni Kapuso Rocco Nacino?

Ibinahagi ni Kapuso actor Rocco Nacino na si Max Collins ay ang pinakamahusay na humalik sa mga artistang naka-kissing scene niya.

Ito ay kanyang sinagot sa segment na “Sasagutin o Kakainin” ng The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (January 1).

Paliwanag ni Rocco, “Usapang eksena, so, ibang usapan 'to. Trabaho ito kaya sasagutin ko na ito. Ang pinakamasarap humalik ay si Max Collins.”

PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show

Ipinaliwanag ng aktor na mahusay ang naging pagganap ni Max sa kanilang dating serye na To Have and To Hold, partikular na sa eksena nilang dalawa kung saan nais mabawi ni Dominique (Max Collins) ang asawa niyang si Gavin (Rocco Nacino).

“Ang galing ni Max do'n. Hindi siya malaswa e, mararamdaman mo 'yung character na gusto niya mabawi 'yung asawa niya,” pagbabahagi niya.

Dahil nasagot ni Rocco ang tanong, si Tekla ang nabunot para inumin ang isa sa mga inihandang food item na hot sauce.

Tinanong naman ni TBATS host Boobay si Max kung sino sa mga kaibigan nito na sina Andrea Torres at Rochelle Pangilinan ang mas talented.

“Mas talented sa pagsayaw, Rochelle Pangilinan. Walang tatalo kay Rochelle Pangilinan,” pagbahagi ng aktres.

Matapos ito, ang nabunot ni Max para inumin ng inihandang toyo, suka, at patis mixture ay ang Mema Squad member na si Buboy Villar.

Hindi rin nakaligtas ang dating To Have and To Hold stars dahil natikman nila ang ilang exotic food items matapos hindi masagot ang ibang katanungan.

Kinain ni Rocco ang piniritong salagubang dahil hindi niya sinagot kung sino'ng artista ang nambasted sa kanya. Ininom naman ni Max ang utak ng kambing shake dahil 'di nito sinagot kung sino'ng aktor ang nanligaw sa kanya pero binasted niya.

Nagwagi naman ang Team Rocco (Rocco Nacino, Tekla, Pepita Curtis, at Ian Red) sa segment na “Don't English Me,” kung saan sila'y nakakuha ng 7 points at natalo naman ang Team Max (Max Collins, Boobay, Kitkat, at Buboy Villar) na mayroon lamang 6 points.

Panoorin ang nakaraang episode ng TBATS dito.

Para sa nonstop saya at kulitan, tutukan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT SINA BOOBAY AT TEKLA AY KABILANG SA MGA NANGUNGUNA SA LARANGAN NG KOMEDYA SA GALLERY NA ITO.