
Sa guesting ng magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto sa Tonight With Arnold Clavio, pinakausap ni Igan si Rocco Nacino ng live sa aktres.
Ika ni Rocco sa tanong kung kelan sila magba-bonding ni Sanya: "Depende naman sa kanya. Napaka-busy naman kasi. Ang hirap hagilapin niyan. Araw-araw nagtratrabaho, eh."
Tinanong din naman ang aktor kung sila na nga ba ng aktres. Pa-joke namang sinabi ni Rocco, "Grabe ang choppy talaga ng line." Bago dagdagan ng: "Tingnan natin."
Nagbigay din ng mensahe ang dalawa para sa isa't isa. Ika ni Rocco para kay Sanya, "Continue your work ethic, dahil malayong malayo pa '[ang mararating ng] career mo for sure."
Sagot naman ni Sanya, "Lagi lang siyang mag-iingat, pakabait. [And] thank you doon sa dog, ang cute nung dog."
Niregaluhan kasi ng aktor si Sanya ng aso noong birthday niya. Ani ni Sanya, "Kinilig ako doon sa aso, kasi mahilig ako sa aso, eh."