
Makikilala na ang Sparkle actor na si Rocco Nacino bilang si Anton Rosales sa 2023 action-suspense-drama series na The Missing Husband.
Sa darating na Lunes, August 28, mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang pinakabagong serye na susubaybayan ng mga Kapuso.
Nito lamang Martes, August 22, sa online media conference para sa upcoming show, nakapanayam ng GMANetwork.com si Rocco.
Ibinahagi niya kung ano ang ilang scenes na dapat abangan sa kanyang karakter na si Anton.
Binanggit din ni Rocco ang ilan sa mga eksenang ngayon pa lamang daw niya nasubukang gawin bilang isang aktor.
Pagbabahagi niya, “'Yung tumatakbo at may mga sumasabog sa likod namin. Tipong naramdaman naming 'yung init at shockwave. Kami nila Yasmien [Kurdi] at Jak [Roberto] ang naka-experience nun. That's something to look forward to sa series na ito.”
“Isa 'yon sa kakaiba sa ginagawa ngayon sa panghapon,” dagdag pa niya.
Mapapanood si Rocco bilang si Anton, ang mapapangasawa ni Millie, ang karakter na gagampanan ni Yasmien Kurdi sa programa.
Sa isang hiwalay na panayam, ibinahagi ni Rocco na nakaka-relate siya sa tema ng kanyang bagong seryeng pagbibidahan.
Iikot ang istorya sa ilang scam issues kung saan masasangkot ang karakter ni Rocco na si Anton at doon magsisimulang maging magulo ang kanyang buhay at ng kanyang pamilya.
Samantala, sagutan at silipin ang poll sa ibaba: