
Present ang ilang Kapuso stars tulad nina Rocco Nacino at Therese Malavar sa naganap na “Prime Video Presents: Philippines 2026” event kamakailan para sa pagpapakita ng bagong lineup ng mga serye at pelikula na mapapanood na sa streaming service na Prime Video.
Representative kasi sina Rocco at Therese ng mga pelikulang KMJS' Gabi ng Lagim the Movie at Bar Boys: After School, dalawa sa mga pelikulang mapapanood na sa naturang streaming service.
Present din sa naturang event ang batikang broadcast journalist-host at presenter ng Kapuso Mo, Jessica Soho na si Jessica Soho at ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Khalil Ramos, Jasmine Curtis-Smith, at Klea Pineda.
Bibida kasi sina Barbie at Khalil sa Prime Video original series na Honor Thy Mother kung saan makakasama rin nila ang Mega Star na si Sharon Cuneta at ang beteranong aktor na si John Estrada.
Mapapanood na rin sa naturang streaming service ang pelikulang Open Endings na pinagbibidahan nina Jasmine, Klea, at Janella Salvador, na present din sa naturang event.
Kasama rin sa mga bagong pelikula sa Prime Video ang Samahan ng mga Makasalanan na pinagbibidahan naman nina Snaya Lopez, David Licauco, at marami pang iba.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAY MALALAKING STREAMING PROJECTS NGAYONG 2026 SA GALLERY NA ITO: