GMA Logo Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap
What's on TV

Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap binalikan ang mga taong pinagselosan nila noon

By Kristian Eric Javier
Published November 27, 2024 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap


Alamin kung sino ang mga pinagselosan nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa isa't isa.

Matapos ang 16 years nilang kasal, binalikan nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap ang mga taong minsan na nilang pinagselosan. Ang ilan dito ay dati rin nilang nakatrabaho sa mga serye at proyekto sa GMA.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 26, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung sino kina Rochelle at Arthur ang pinakaseloso. Sagot ng dalawa, “Pareho, e.”

Ngunit paglilinaw ni Arthur, may mga “stages” umano ang nangyaring pagseselos sa pagitan nilang dalawa.

Sabi ng Widows' War actor, “Nu'ng una siya e, grabe. Basta 'pag may show ako, kung sino 'yung cast na babae, automatic pagseselosan niya. Usually, lalo na 'pag sexy, maganda. So ako, 'pag nasa taping, ilang na ilang ako makita sa icture na kaming dalawa lang.”

Pagkukuwento ng aktor, pare-pareho ang lebel ng pagseselos ni Rochelle sa kaniyang mga co-stars ngunit ang pinakapinagselosan umano nito ay si Pauleen Luna. Matatandaang nagkatrabaho sila ni Arthur sa 2009 series na Ikaw Sana.

“Kasi 'yun 'yung parang first - hindi naman first, pero 'yun 'yung (may) kissing scene,” paliwanag ng aktor.

Tanong ni Boy kay Rochelle, “Nagalit ka?”

Mabilis na sagot ng Pulang Araw star, “Galit na galit. Ako, hindi pwede, ikaw pwede? Kasi sa kaniya laging may issue, 'pag katabi ka lang, ito magki-kissing scene kayo?”

Pag-amin ni Arthur, ang mali niya ay hindi niya sinasabi agad kay Rochelle na merong kissing scene at sa halip, nalalaman na lang nito kapag napanood na niya sa TV.

Bukod kay Pauleen, isa pang aktres na pinagselosan ni Rochelle ay si Janna Dominguez na nakatrabaho naman ni Arthur sa Pepito Manaloto.

Ani Rochelle, “Meron pang isa e, si Janna. Alam ni Janna 'yun, 'di ba? Sa Pepito (Manaloto)? E kasi ang sexy-sexy ni Jana.Tapos maputi. Kasi langing katabi sa picture, tapos laging kasama sa eksena, tapos laging niloloko pa sila sa set 'pag dumarating ako.”

Sabi naman ni Arthur ay iyong mga taga-wardrobe ang mahilig gumawa ng issue at madalas ay pinapares siya sa mga kaeksena at tinutukso pa siya.

Ayon kay Rochelle, pinapaintindi lang sa kaniya ni Arthur kung bakit hindi niya kailangan magselos.

Samantala, para kay Arthur, ang ilan sa mga pinagseselosan niya noon ay ang mga naka-love team ni Rochelle, lalo na sa afternoon prime series nila noon na Daisy Siete.

“Si Victor (Aliwalas) pala dati. Basta loveteam siya, siya 'yung next ko. After ko, siya 'yung naging partner mo e, so parang nagselos na konti. Atsaka 'yung mga partner niya sa Daisy Siete rin,” pag-alala ni Victor.

BALIKAN ANG LOVE STORY AT SWEETEST MOMENTS NINA ROCHELLE AT ARTHUR SA GALLERY NA ITO: