GMA Logo Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Shiloh
Source: rochellepangilinan/IG
Celebrity Life

Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, ipinagdarasal ang pagkakaroon ng Baby No. 2

By Kristian Eric Javier
Published November 26, 2024 4:23 PM PHT
Updated November 26, 2024 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Shiloh


Matapos ang ilang taon na meron silang unica hija, gusto na rin nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap masundan si Shiloh.

Ngayong five years old na ang anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na si Shiloh Jane, aminado ang celebrity couple na pinagdarasal na rin nila ang magkaroon na ng ikalawang anak.

Kuwento ni Rochelle sa panayam niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ay hinihiling na rin ng kanilang anak na si Shiloh na magkaroon ng baby brother o sister. Ngunit pag-amin ng dancer-actress, hindi ito madali dahil madalas ay hindi sila nabibigyan ng “me time.”

“Nako, pinaplano namin 'yan, hindi namin maplano. Pala tanong 'yung isa, 'Where are you going?' Tapos iiyak siya. Ano'ng gagawin namin? Tapos kahit kausapin siya tapos hihingian niya kami ng baby sister, baby brother, ayaw naman kami bigyan ng me time,” natatawang kuwento ni Rochelle.

Nang tanungin siya ng batikang entertainment reporter kung nasa pipeline na ba ang pagkakaroon nila ng second baby, ang sagot ni Rochelle, “Gusto namin, pinagpe-pray naming dalawa.”

“Siyempre medyo malaki na si Shiloh so nakakausap na, nakakaintindi na, siya na nga umiinom mag-isa ng gamot niya kapag may sipon siya e, alam na niya, 5 ml, siya na. Siya na rin nagne-nebulize sa sarili niya, sinasaksak niya,” pagbabahagi ni Rochelle.

KILALANIN ANG UNICA HIJA NINA ROCHELLE AT ARTHUR NA SI SHILOH SA GALLERY NA ITO:

Samantala, inamin naman ni Rochelle Pangilinan na noong dumating sa buhay nila si Shiloh ay nahati ang atensyon niya sa kaniyang mag-ama na umabot pa sa punto na kinailangan siyang paalalahanan ni Arthur na siya ang asawa ng dancer-actress.

Nilinaw naman ni Rochelle na gusto naman ni Arthur ang pagiging hands-on niya sa kanilang anak, ngunit gusto rin umano ng kaniyang asawa na magkaroon pa rin silang oras para sa isa't isa.

“Hindi na nga kami nakakapag-date e, so siyempre, parang pagdating niya sa bahay, 'yung yakapin mo man ako, 'yung pag dumarating ako, aalis ako, hatid mo naman ako,” sabi ni Rochelle.

Para kay Rochelle, maituturing niya ang sarili bilang isang traditional wife at sinabing ang love language niya ay pagsisilbi sa kaniyang asawa.

Pakinggan ang buong panayam ni Rochelle dito: