
Magsasama ngayong Sabado sa "Rabies" episode ng Wish Ko Lang ang mga icons ng dance floor noon na sina Rochelle Pangilinan at Samantha Lopez.
Bibigyang buhay ni Rochelle ang kuwento ni Gemma, isang ina na haharap sa matinding pagsubok matapos na pilit agawin sa kanya ang asawa at tamaan ng rabies ng aso ang nag-iisang anak na lalaki.
Gagampanan naman ni Samantha ang mapang-akit na karakter ni Cristina, ang babaeng sisira sa tahimik na buhay ng pamilya ni Gemma.
Makakasama rin nila sa episode na ito sina Jess Mendoza bilang ang asawa ni Gemma na si Martin, Jennie Gabriel bilang si Angel, at Bryce Eusebio bilang ang nag-iisang anak ni Gemma na si Toto.
Huwag palampasin ang madamdaming mga tagpo sa "Rabies" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, May 28, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Rochelle Pangilinan sa gallery na ito: