
Ngayong December 4 na ang inaabangan na reunion concert ng SexBomb Dancers na “Get, Get Aw!” Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng dalawa sa mga miyembro nitong sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia para sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila.
“Kukunin ko na rin po 'yung chance na magpasalamat kasi unexpected na ganito 'yung suporta ng tao sa'min,” sabi ni Rochelle sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 5.
Pag-amin ng dancer-actress, hindi sila sigurado kung mayroon pa nga ba silang fans na manonood ng kanilang concert. Kaya naman, laking gulat nila na ngayon pa lang ay may ilang sections na sold-out na.
“'Yung pasasalamat po namin sa inyo, hindi namin alam kung saan namin huhugutin but God, thank you God, and thank you, everyone, sa lahat ng pinalaki ng SexBomb, maraming salamat po sa suporta n'yo talaga,” sabi ni Rochelle.
BALIKAN ANG SISTERHOOD NG SEXBOMB GIRLS SA GALLERY NA ITO:
Sinigurado naman ni Sunshine na magiging espesyal itong concert dahil bukod sa kanilang performance, nakuha rin nila bilang direktor si John Prats.
“So alam mong iba, iba 'yung ibibigay niya sa concert namin, at iba din ang ibibigay namin sa inyo, maniwala kayo,” sabi ni Sunshine.
Nang tanungin naman sila ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang aasahan ng mga tao mula sa concert, sagot ni Sunshine, “Hatawan.”
“Punong-puno, hindi po namin kayo bibitinin kasi talagang pinaghandaan namin 'to at September pa lang, nag-training na po kami para bumalik 'yung dati naming stamina sa sayaw. Kasi kailangan ibigay namin nag lahat,” sabi ni Rochelle.
Panoorin ang panayam kina Rochelle at Sunshine dito: