
Napatanuyan ni Rochelle Pangilinan ang kabaitan at pagiging mapagbigay ng kaniyang Onanay co-star na si Nora Aunor.
Kwento ni Rochelle sa Instagram, nakatanggap siya at ang kaniyang baby girl ng mga regalo mula kay Ate Guy.
WATCH: Arthur Solinap and Rochelle Pangilinan are having a baby girl
"Simula [noong] nakilala ko sa show ng Onanay si Ms. Nora Aunor, napahanga na ko sa ugaling ipinapakita n'ya sa'kin, sa fans n'ya, sa lahat ng tao sa set ng Onanay.
“'Yung lagi ko s'yang maka-eksena ay sapat ng regalo sa'kin ngayong Pasko, pero ginulat n'ya ko sa pa-surprise n'yang gifts sa'kin."
Dagdag pa ng dating SexBomb dancer, na-appreciate niya ang pagiging thoughtful ng nag-iisang Superstar.
Bahagi niya, "Nung pauwi na ko ng bahay, ang naisip ko lang ay 'yung naisip n'ya kong pagkaabalahan o pag-isipan pa.
“Pwede namang simple na Christmas gifts lang like pagkain o gamit ng babae, etc. Pero naisip n'ya kami ng baby ko... pinagisipan n'ya talaga!
"Yung pagkaabalahan ka ng nag-iisang Superstar simula [noong] bata pa ko at binigyan ako ng halaga. Ang saya, saya talaga!
“Kaya maraming nagmamahal sa kanya eh na hanggang ngayon ay nand'yan pa rin.”
Para kay Rochelle, may magandang dahilan kung bakit niya nakilala ang beteranang aktres.
"Hindi ako magsasawang ikwento hanggang apo ko ang kabutihan n'yang ginawa sa lahat ng tao na nasaksihan ko sa maikling panahon na nakasama at nakatrabaho ko s'ya.
“Sa akin, maraming dahilan kung bakit nakilala mo ang isang tao, hindi aksidente lang, sa dami ng naikwento n'ya sa'kin sa buhay na pinagdaanan n'ya, marami akong natutunan. I am blessed," saad ng Onanay star.
Nauna nang nagpahayag sina Cherie Gil at Wendell Ramos ng pasasalamat para kay Ate Guy matapos makatanggap ng random gifts mula rito.
LOOK: Wendell Ramos appreciates Nora Aunor's generosity