
Ayon kay Rochelle, ang 'Amaya' ang nagpalalim ng tingin niya sa pag-arte.
By MARAH RUIZ
Enjoy na enjoy daw ngayon sa Rochelle Pangilinan sa pagganap bilang kontrabida. Sa katunayan, isa siya sa mga kontrabida sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Wish I May.
Ayon sa kanya, matagal tagal din siyang gumanap bilang bidang laging inaapi kaya nakaka-refresh raw ang role bilang kontrabida.
WATCH: Wish I May: 'Akin ka lang' - Audrey
"Alam mo gustung-gusto kong maging laging sa support kasi mas mapaglalaruan mo. Mas nage-enjoy ako. Matagal din akong naging bida sa Daisy Siete. Tumakbo rin siya ng pitong taon," kuwento ni Rochelle sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
"Siguro, stepping stone namin [ng Sex Bomb] 'yun para maging [mga aktres]. Wala kasi kaming proper acting workshop. Doon na lang ako natuto ng paunti unti," dagdag niya.
Ngunit isang palabas daw ang nagpalalim ng tingin niya sa pag-arte.
"After nung Daisy Siete, nag-Amaya ako. Doon ako nakakita ng mga artistang wow—like si Tita Gina Alajar, si Irma Adlawan. Grabe sila mag-moment. Talagang kakainin ka!" bahagi nito tungkol sa paghanga niya sa dalawang aktres.
Kung noon daw ay idinadaan sa biruan o sayawan ang mga pagkukulang nila sa pag-arte sa Daisy Siete, nabago ito ng mga natutunan niya sa Amaya.
READ: Rochelle Pangilinan, kumukuha ng hugot para sa bagong role mula sa pagiging dating Sex Bomb dancer
"Medyo naiintindihan ko na ngayon na ang lawak pala ng pag-arte. ngayon, Medyo kinakarir ko na siya. Hindi ako bumibitaw sa bawat eksena. Ayoko siyang palusutin na 'yun na lang yun?'" pagtatapos nito.
Abangan si Rochelle sa kanyang pagganap bilang Audrey sa Wish I May, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.