GMA Logo Rochelle Pangilinan
Source: rochellepangilinan (IG)
What's Hot

Rochelle Pangilinan, dream come true na magkaroon ng Cinemalaya film

By Marah Ruiz
Published September 6, 2025 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan


Natupad na ang parangap ni Rochelle Pangilinan na magkaroon ng pelikula sa Cinemalaya.

Lead: Natupad na ang parangap ni Rochelle Pangilinan na magkaroon ng pelikula sa Cinemalaya.

Dream come true para kay Kapuso actress Rochelle Pangilinan ang mapasama sa isang Cinemalaya film.

Kabilang siya sa cast ng Child No. 82, isa sa sampung full-length entries para sa 21st Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Gaganap si Rochelle sa pelikula bilang nanay ng isang binatilyo na kailangan patunayan na anak siya ng yumaong action-fantasy movie star para makatanggap ng porisyento ng pamanang iniwan nito para sa mahigit 80 niyang anak.

"Medyo nahirapan ako pero siyempre sa tulong ng mga nagawa ko na ring serye sa GMA, 'yun ang malaking tulong para mabuo ko 'yung character ko sa Child No. 82," bahagi ng aktres.

Makakasama ni Rochelle sa pelikula si Pinoy Big Brother alum JM Ibarra na gaganap bilang anak niyang si Max at actor-comedian Vhong Navarro na gaganap naman bilang ang yumaong action star na si Maximo "Boy Kana" Maniego Jr.

Bahagi rin ng pelikula ang isa pang former PBB housemate na si Kai Montinola.


Masipag mag-post si Rochelle ng ilang behind-the-scenes photos at videos mula sa set ng pelikula, kabilang na ang scriptreading niya kasama ang co-star na si JM.

Nagpa-lechon din ang aktres sa huling araw ng kanilang taping bilang pasasalamat sa lahat ng nakatrabaho niya rito.

Ang tema ng Cinemalaya ngayong tayon ay "Layag sa alon, hangin, at unos."

Tatakbo ang prestihiyosong film festival mula October 3 hanggang 12 sa Shangri-La Plaza.