
“Rehearse nang rehearse, super rehearsal.”
Ito ang pahayag ni Rochelle Pangilinan nang kumustahin ng GMANetwork.com kamakailan ang paghahandang ginagawa niya at ng kapwa SexBomb Girls para sa reunion concert nilang Get Get Aw!
Dagdag pa niya, pinag-iigihan nila nang husto ang mga gagawing performances dahil, “Kilala naman ang grupo bilang mananayaw bago ang lahat. Siyempre, pinaghahandaan talaga namin.”
Bukod sa excitement sa muli nilang pagsasama-sama, nakararamdam din daw ang sikat na all-female group ng kaba dahil sa nakuha nilang suporta mula sa fans.
Ani Rochelle, “Isa pang nakaka-pressure sa amin yun, na sabay na nae-excite din kami na gawin siya kasi it's a once-in-a-lifetime concert. Hindi ko alam kung mauulit ba. Pero as of now, ang hirap buuin ng SexBomb kasi 21 kaming nandito. Pero puwedeng madagdagan, puwede mabawasan, huwag naman sana.”
Bagamat may ilang miyembro pa ng SexBomb Girls ang nasa abroad, sinisiguro naman daw ng mga nandito sa Pilipinas na updated sila sa mga gagawin nila sa concert.
“Actually, pagod din sila kahit nasa ibang bansa sila kasi sine-send din namin ang lahat ng rehearsals namin. So, pagdating dito, dapat alam na nila yung mga sayaw. May mga ganun kami,” sabi ng Sang'gre actress.
Dagdag biro pa niya, “Ano, kami lang ang stress dito? Dapat kayo din!
“At saka ang saya kasi, kahit sa rehearsal… Sabi ko nga, 'Dream come true ito sa akin, na makita ko kayo isa-isa.' Kasi, kung paano sila mag-makeup sa isa't isa, mag-asaran, parang mga hindi nanay, bumabalik sa pagkabata. Lahat pa-bagets, pa-baby, akala nila 2007 pa lang din. So, lahat sila bumabalik sa pagkabata. Hindi lang mga pinakalaki ng SexBomb ang bumalik sa pagkabata, pati ang SexBomb mismo, lahat sila pabebe.”
Related gallery: Ilang orig SexBomb Girls, mommies na ngayon!
Sa huli sinigurado ni Rochelle na sulit ang mapapanood ng mga pupunta sa kanilang reunion concert na Get Get Aw! na gaganapin sa Araneta Coliseum sa December 4.
“Ibang klase yung mapapanood n'yo. At sana mag-enjoy kayo kasi ilang buwan namin itong inaayos. Ang dami naming kasama rito, hindi lang isa, dalawa o tatlong artista. Ibang klaseng showdown, kilabot, nostalgia, everything. Lahat yun mapapanood n'yo ulit,” pagtatapos niya.