What's on TV

Rochelle Pangilinan, gaganap bilang guro na inaabuso ng asawa sa '#MPK'

Published June 7, 2023 5:22 PM PHT
Updated June 8, 2023 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David urges Catholics to pray for peace in Middle East on Maundy Thursday
Visitors in Boracay remember Holy Week traditions
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan


Bibigyang-buhay ni Rochelle Pangilinan ang kuwento ng isang guro na isa ring battered wife sa bagong episode ng '#MPK.'

Muling bibida si actress and dancer Rochelle Pangilinan sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya ang kuwento ng isang babaeng nakakaranas ng pang-aabuso sa kanyang asawa.

Gaganap si Rochelle bilang Andrea, isang high school teacher na nakakaranas ng pisikal na pananakit at pati na emosyonal at sikolohikal na pang-aabuso mula sa mister niyang si Ricky--karakter ni Pancho Magno.

Mahal ni Andrea si Ricky kaya kahit na ilang beses pa siyang saktan ng asawa, lagi niyang nagagawang patawarin ito.



May hangganan kaya ang pagmamahal ni Andrea kay Ricky? Matutunan kaya niyang mahalin din ang kanyang sarili?

Abangan ang kuwentong 'yan sa brand new episode na "The Abused Teacher," June 10, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: