
Sa isang post sa Instagram, nagpasaya ng kanilang mga fans ang stars ng superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre na sina Rochelle Pangilinan-Solinap, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, at Mikee Quintos sa kanilang nakakatuwang version ng isa mga trends ngayon sa TikTok.
Game na game na ginawa ng apat ang sikat na trend gamit ang audio mula sa sikat na serye noon nina Kapamilya stars, Julia Barretto at Joshua Garcia.
Kita sa video ang nakakatuwang acting nina Rochelle, Glaiza, Sanya, at Mikee habang nakikinig o “nagma-marites” sa dalawang taong nag-aaway sa nasabing audio.
“Mga marites ng Encantadia,” pabirong caption ni Rochelle sa kanyang post.
Isa pa sa nakakatuwang highlight ng video ay ang pagtatanong ni Mikee sa mga kasama kung sino nga ba ang tinutukoy na “Roxanne” sa naturang audio.
Pabiro namang nag-comment sina Mikee, Glaiza, at Sanya sa post na ito mula kay Rochelle.
“Sino si Roxanne?” tanong ni Mikee sa comments.
“Warka talaga yan si Roxanne,” pabirong comment naman ni Glaiza.
“Sino ba yang Roxanne na yan?” tanong naman ni Sanya.
Umani rin ito ng nakakatuwang mga comments mula sa fans at netizens.
“Sige chismis now, laban later,” sabi ng isang netizen.
“Mga Marites sa Encantadia nung nakita nila na nagtatalo si Flamarra at Soldarius,” biro pa ng isa.
Patuloy na mapapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.