What's Hot

Rochelle Pangilinan, gustong maipasa ang legacy ng SexBomb Girls

By Marah Ruiz
Published September 22, 2025 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan


Gusto ni Rochelle Pangilinan na maipasa ang legacy ng SexBomb Girls sa susunod na mga henerasyon.

Kasado na ang inaabangang reunion concert ng SexBomb Girls ngayong December 4 sa Araneta Coliseum.

Masaya ang mga miyembro ng iconic girl group na kahit mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas, hindi pa rin nalilimutan ng mga Pilipino ang kanilang mga awit at sayaw.

"Sana 'yung legacy na iniwan ng SexBomb nung 2000s, na kasabay namin ang mga millennials, ay maipasa sa Gen Z hanggang Gen Alpha," pahayag ni Kapuso star Rochelle Pangilinan na leader ng grupo.

Regular na nagkikita ang mga miyembro tuwing Pasko at madalas nilang mabanggit ang ideya ng isang reunion concert dito.

"Every Christmas party, lagi namin siyang pinag-uusapan, lagi namin siyang pinakukuwentuhan. Until this year talaga, actually last year no, nag-usap na tayo. Sabi niya (Rochelle), 'Tara na,'" kuwento naman ni Mia Pangyarihan.

Nangibang-bansa o hindi na nagpe-perform ang ilang sa mga SexBomb Girls kaya perfect timing daw ang upcoming concert nila.

"Ang daming pagkakataon na gustong mabuo ito, ang grupo, pero ngayon lang talaga dahil sa number one, sila. Sila talaga 'yung kumontak sa amin para gawin na natin 'to. Kasi tumatanda na ko e. Ayan ah, hindi ko na sinabing kayo. Tumatanda na ko e, baka hindi na 'ko makapag-split," lahad naman ni Weng Ibarra.

Panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas sa SexBomb Girls para sa 24 Oras sa video sa itaas.

SILIPIN DIN ANG MATIBAY NA PAGKAKAIBIGAN NG SEXBOMB GIRLS DITO: