
Sa Instagram idinaan ng Mga Lihim ni Urduja star na si Rochelle Pangilinan ang kaniyang nararamdaman matapos siyang sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, March 22.
Ayon sa Kapuso actress, nag-enjoy siya sa kaniyang one-on-one interview kasama ang King of Talk.
“Nag-enjoy ako sa one-on-one interview with Tito Boy sa @fasttalkgma!” ani Rochelle.
Ibinahagi rin ng dating SexBomb dancer na ito ang kaniyang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng labis na kaba sa isang interview.
“Sa tinagal tagal ko sa industriyang ito... Ngayon lang ako kinabahan ng Malala…Ibang klase s'ya maginterview. The King of Talk talaga!” paliwanag niya.
Nagpasalamat naman si Rochelle sa lahat ng bumubuo at sumusuporta sa naturang programa.
“Maraming salamat po! Lalo na sa bumubuo ng Fast Talk. Salamat sa pag-alaga nyo sa akin. At sa lahat ng tumutok maraming salamat Kapuso!” dagdag niya.
Samantala, habang tumatagal ay mas lalong nadadagdagan ang humahanga sa Kapuso star dahil sa kaniyang ipinapakitang husay sa pag-arte sa mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja.
Sa naturang action-adventure series ay ginagampanan ni Rochelle ang karakter ni Dayang Salaknib, ang isa sa pinakamagiting na mandirigma at most trusted amazon general ni Hara Urduja (Sanya Lopez).
#MgaLihimNiUrduja #Highlights: Hara Urduja x Dayang Salaknib 🤩💪#UrdujaEp14#UrdujaRisingSun pic.twitter.com/kfsGc6Xy4h
-- GMA Drama (@GMADrama) March 16, 2023
Abangan ang mga matinding eksena ni Rochelle Pangilinan sa Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
ALAMIN ANG KAPANGYARIHAN NG PITONG HIYAS NI HARA URDUJA SA GALLERY NA ITO: