GMA Logo Rochelle Pangiliinan and Shiloh
Photo source: rochellepangilinan (IG)
What's Hot

Rochelle Pangilinan, inspirasyon ang anak na si Shiloh sa reunion ng SexBomb Girls

By Karen Juliane Crucillo
Published December 9, 2025 6:07 PM PHT
Updated December 10, 2025 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 11, 2025
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangiliinan and Shiloh


Ipinagmalaki ni Rochelle Pangilinan na isa sa dahilan ng muling pagkikita ng SexBomb Girls ay ang kanyang anak na si Shiloh.

Ramdam ni Rochelle Pangilinan ang pagmamahal ng fans sa recent reunion ng SexBomb Girls, lalo na ang suporta ng kanyang anak na si Shiloh.

Sa Instagram, ibinahagi ng actress-dancer ang video ni Shiloh na masayang tumatalon at sumasayaw habang nagpe-perform siya sa reunion concert ng SexBomb Girls.

“'Yung makita ko sya na proud na proud sa nanay nya at walang humpay na talon ng talon.. nakakawala ng pagod,” sabi ni Rochelle.

Dagdag pa niya, “Siya ang No.2 fan ko.. kasi no. 1 fan ko ay ang asawa ko.”

Ibinahagi rin ni Rochelle na si Shiloh ang isa sa dahilan kung bakit niya itinuloy ang reunion ng SexBomb Girls.

“Kung napanuod nyo ang ilan sa interviews ko kung bakit na challenge ako na ituloy ang reunion ng Sexbomb Girls ay dahil napaiyak niya ako,” kuwento ng Sparkle artist.

Pagkatapos siyang mapaiyak ng kanyang anak, inamin ni Rochelle na muli siyang naiyak dahil sa reaksyon ng kanyang anak habang siya ay nasa stage.

“Thank you madami sa pagtingin sayong inaanak habang nasa trabaho ang mga magulang ni Shiloh @auntieprettyphobel,” pasasalamat ni Rochelle sa dulo ng kanyang post.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Nagsama-sama muli sa iisang stage ang SexBomb Girls noong December 4 sa Smart Araneta Coliseum.

Si Shiloh ay anak nina Rochelle at ng kanyang asawa na si Arthur Solinap. Ipinanganak si Shiloh noong February 24, 2019.

RELATED GALLERY: Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap celebrate family day with photos taken by daughter Shiloh