
Habang tumatagal ay mas tumitindi ang mga eksena sa mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja!
Sa Instagram, nagbahagi ang Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan ng video compilation kung saan makikita ang matinding pag-eensayo niya kasama ang co-stars para sa intense na fight scenes ng naturang action-adventure series.
Aniya, "BTS ng Mga Lihim ni Urduja taping! Happy lang ❤️ Nag enjoy kami sa Spanish bread from @highlandbaliresort and Kebab treat from @itsyassermarta lakas maka happy!"
Sa mega serye, gumaganap si Rochelle bilang Dayang Salaknib, ang isa sa mga pinakamagiting na mandirigma at most trusted amazon general ni Hara Urduja (Sanya Lopez).
Samantala, kabilang naman si Rochelle sa mga Kapuso celebrities na nagpakita ng suporta sa special screening ng inaabangang live-action adaptation ng sikat na Japanese '70s anime, ang Voltes V: Legacy.
Sa kanyang Instagram post, makikitang nag-enjoy si Rochelle kasama ang kanyang asawa na si Arthur Solinap at anak na si Shiloh.
"Si Shiloh ay naging fan ni little John pagkatapos manood sa sinehan! Matic na! Kahit bad guy si ninong Carlo @jcdgonz, love niya pa rin eh! Ninong Gab @gabbyeignemann mukhang 'di ka niya nakilala sa personal. Kilala ka niya kapag naka-uniform.
"Sa mga bagong generation, siguradong magugustuhan niyo ang Voltes V! G na sa mga sinehan!" saad niya sa kanyang caption.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: