GMA Logo JM Ibarra, Rochelle Pangilinan, Vhong Navarro
Source: rochellepangilinan
What's Hot

Rochelle Pangilinan, JM Ibarra, at Vhong Navarro, magkakasamang sumayaw sa isang SexBomb song

By Marah Ruiz
Published October 11, 2025 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA Philippine Cup quarterfinals recap and semifinals bracket
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

JM Ibarra, Rochelle Pangilinan, Vhong Navarro


Magkakasamang sumayaw sina Rochelle Pangilinan, JM Ibarra, at Vhong Navarro sa "Sumayaw, Sumunod" ng SexBomb Girls.

Sa wakas, nagsama-sama na sina Kapuso actress and dancer Rochelle Pangilinan, comedian at dancer Vhong Navarro, at Pinoy Big Brother alum JM Ibarra sa isang dance video.

Matagal na itong nire-request ng kanilang fans matapos mapansin na magagaling sumayaw ang tatlong lead stars ng Cinemalaya film na Child No. 82.

Kinunan ang kanilang dance collaboration sa Cinemalaya Gala Night kung saan dumalo ang tatlo.

Suot ang kanilang formal wear na may touches ng inabel handwoven fabric mula sa Ilocos at Cordillera regions, sumayaw sina Rochelle, JM, at Vhong sa awit na "Sumayaw, Sumunod" mula sa grupo ni Rochelle na Sexbomb Girls.

"Bumomba ang pamilya ni Boy Kana! 😝 #ChildNo.82,"

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Ang Child No. 82 ay kuwento ni Max, karakter ni JM Ibarra, binatang kailangan patunayan na siya ang ika-82 anak ng yumaong sikat na action-fantasy movie star na si Maximo "Boy Kana" Maniego Jr., played by Vhong Navarro, para makatanggap ng porsiyento ng pamanang iniwan nito para sa mahigit 80 niyang mga anak.

Gaganap naman si Rochelle bilang nanay ni Max sa pelikula.

Source: jmdibarra (IG)

Nag-organize ng block screening para sa pelikula ang manager ni Rochelle na si Perry Lansigan.

Damang-dama naman ng aktres ang pagmamahal at suporta ng kanyang mga showbiz friends na dumalo dito, kabilang sina Jean Garcia, Mosang, John Feir, Gabby Eigenmann, Paul Salas, at ilang miyembro ng SexBomb Girls.

Isa ang Child No. 82 sa sampung full-length entries para sa 21st Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ang tema ng Cinemalaya ngayong taon ay "Layag sa alon, hangin, at unos."

Tatakbo ang prestihiyosong film festival mula October 3 hangang 12 sa Shangri-La Plaza.