
Naging emosyonal si Rochelle Pangilinan sa pagkuwento ng pagiging supportive ng asawa niyang si Arthur Solinap.
Ibinahagi ito ng aktres at leader ng SexBomb Girls sa interview ni Karen Davila sa YouTube.
Saad ni Rochelle, "Siya ang greatest gift sa akin ni God."
Inilahad pa ni Rochelle sa interview na ang buhay nila ng asawa niyang si Arthur ay katuparan ng kaniyang pangarap.
"Wala akong Shiloh kung wala siya. 'Yung buhay namin ni Art talaga, ito po 'yung pangarap kong buhay. Hindi ganoon kayaman, simpleng buhay pero masaya."
PHOTO SOURCE: @rochellepangilinan
Bahagi ng kuwento ni Rochelle ay ang pagiging responsableng asawa at ama ni Arthur. Ani Rochelle, "Napakaresponsible ng asawa ko. Sa school, busy ako ngayon, siya ang sundo at hatid. Siya ang nagaayos ng buhok ng anak, siya ang nagpapaligo, siya lahat."
Naging emosyonal pa si Rochelle noong ibahagi niya ang naging suporta ni Arthur sa reunion concert ng SexBomb Girls. Ayon kay Rochelle, nahihirapan na siya sa schedule pero dahil sa tulong ni Arthur, nagiging mas maayos ang kaniyang mga ginagawa ngayon sa career at personal nilang buhay.
"Imbes na magalit 'yung asawa ko kasi wala na akong time. Grabe 'yung support. Sabi ko nga sa kaniya hindi ko magagawa ito lahat kung hindi dahil sa kaniya."
LOOK: Photos that show why Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap are #RelationshipGoals