
Mapapa-'aww' ang lahat sa brand-new episodes ng Running Man Philippines sa darating na weekend dahil makakasama natin ang 'OG' lider ng SexBomb girls na si Rochelle Pangilinan!
Special guest sa hit reality game show si Rochelle na mapapalaban sa race nila na tinawag na 'Dragon's Luck!'
Sa web exclusive online content ng Running Man Philippines, sinabi ni Rochelle sa 'Guest Reveal' video na 'tila bumalik siya sa pagkabata nang magcompete siya sa mga mission kasama ang Pinoy Runners.
“Blessing sa akin 'to, kasi, hindi ko 'to mararating 'di ba. Sa three days, narating ko 'yung ganung scenery napakaganda!”
Dagdag ni Rochelle, “First time ko sa [South] Korea, napakalamig [laughs]. Ito oh ngongo na ako, pero nage-enjoy ako, kasi, nakakapagod give na. Pero, ang mahalaga 'yung masaya, parang bumalik ako sa pagkabata.”
MORE ON ROCHELLE PANGILINAN
Watch Running Man Philippines season two on weekends at 7:15 p.m.. You can also catch the delayed telecast of Running Man PH on GTV at 9:45 p.m. every Saturday and 11:05 p.m. on Sunday.
RELATED CONTENT: KOREAN STARS APPEARING ON RUNNING MAN PH SEASON TWO