
Tampok sina Rochelle Pangilinan at Royce Cabrera sa isang comedy-mystery episode ng Dear Uge na pinamagatang "Community Panthief."
Alagang-alaga ni Victoria (Rochelle) ang domirtoyong ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang mga magulang. Pero sa pagbisita ng kanyang kapatid na si Don (Royce) ay magsisimula ang isang kababalaghan: Isa-isang nawala ang underwear ng kanyang tenants!
Mag-iimbestiga si Victoria kung sino ang guilty sa likod ng misteryongito. Dahil dito ay magtuturuan ang tenants at pagsususpetsahan nila ang isa't isa. Lalala rin ang pagtatalo sa pagitan nina Victoria at Don.
Si Don nga ba ang “community panthief?”
Samantala, isang special guest naman ang makakapanayam ni Eugene Domingo upang magkomento tungkol sa kababalaghang ito.
Silipin ang ilang eksena ng "Community Panthief" dito:
Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhan sa Dear Uge! Tutok na ngayong Linggo, June 6, pagkatapos ng GMA Blockbuster.