GMA Logo Rochelle Pangilinan
Source: TheBoyAbundaTalkChannel/YT
What's Hot

Rochelle Pangilinan may inamin tungkol sa 'Get, Get Aw The SexBomb Concert'

By Kristian Eric Javier
Published November 29, 2025 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan


Paano nga ba nabuo ni Rochelle Pangilinan at ng ibang SexBomb Girls ang kanilang concert?

Nalalapit na ang reunion concert ng SexBomb Girls na Get Get Aw The SexbBomb Concert, bagay na hindi matutuloy kung hindi dahil sa kontribusyon ng ilan sa mga miyembro nito.

Sa pagbisita ni Rochelle Pangilinan sa Cayetano in Action with Boy Abunda, ikinuwento ng dating leader ng SexBomb Girls na nagsimula lang sa usapan ang pagbuo nila ng naturang concert.

Kuwento ni Rochelle, tinanong niya ang mga dating kagrupo isang beses na nagkita-kita sila kung gusto ba nila ituloy ang concert. Aniya, game naman daw ang mga ito, kaya gumawa na sila ng group chat o GC para planuhin nag naturang concert.

“Sabi ko, 'Matrabaho 'to, a, sige.' Tayo-tayo muna ang producer. Magkano lalabas mo?” pagbabahagi ni Rochelle.

BALIKAN ANG SISTERHOOD NG SEXBOMB GIRLS SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Rochelle, bukod sa kaniya ay nagbigay din sina Jopay Paguia, Mia Pangyarihan, Sunshine Garcia, at Aifha Medina para sa production ng kanilang concert.

Pagpapatuloy pa ng SexBomb Girls leader, “Tapos dapat walang magbigay ng TF, walang TF. Down the line, pamasahe na lang 'yung iba. Kasi po 'pag nagbigay ng TF, hindi talaga siya matutuloy.”

Sinigurado naman ni Rochelle na magiging pasabog ang kanilang nalalapit na concert lalo na at ipapakita nila ang mas matinding bersyon ng mga napapanood na showdown nila sa iba't ibang shows.

“Kung ano 'yung nakikita ng mga tao, lalo na po sa showdown, ganu'n pa rin dapat 'yung ma-achieve ng SexBomb,” sabi ni Rochelle.

Ibinahagi rin ni Rochelle na magkakaroon sila ng mga guest sa naturang concert, ngunit hindi muna sinabi king sino-sino ang mga ito. Ang masasabi lang niya, lahat ng makakasama nila sa concert ay bahagi ng storya ng SexBomb Girls.

“Bahagi po lahat. Walang hindi bahagi na 'pag nakita n'yo sila, 'Og my gosh!' Ganu''n po 'yung feels nu''ng concert,” sabi ni Rochelle.

Panoorin ang panayam kay Rochelle dito: