
Agad na nagbabala ang SexBomb leader na si Rochelle Pangilinan sa mga nagkalat na impormasyon na nagbebenta na sila ng tickets para sa 'SexBomb Rawnd 3' concert.
Sa post ni Rochelle sa kanyang official Facebook page, binalaan niya ang kanilang fans sa modus na ito.
Aniya, “Ano ito? Wag kayong maniwala dito ha. FAKE ITO!!!”
Parehong successful ang grand reunion concert ng iconic all-girl dance group na idinaos noong December 4 sa Araneta Coliseum at ang Day 2 na ginawa sa Mall of Asia Arena noong Martes, December 9.
Kaya naman sa SexBomb Rochelle, taos puso ang pasasalamat sa kanilang avid supporters.
Post niya sa Instagram, “This concert wasn't just ours.
“Inyo 'to. Para sa inyo 'to. At kung ano man ang naibalik namin sa dalawang gabi, kulang pa 'yon sa laki ng utang na loob namin sa inyo.”
“Maraming salamat for growing with us, staying with us, and believing in us—kahit minsan kami mismo, nagduda na. We love you. Always. At hindi namin kalilimutan na kayo ang bumuo sa amin.”
RELATED CONTENT: SexBomb Girls light up Araneta with nostalgic 'Get, Get Aw!' reunion concert