GMA Logo Rochelle Pangilinan
Source: drewgalleguez
What's Hot

Rochelle Pangilinan, nagbahagi ng 'Child No. 82' bloopers

By Marah Ruiz
Published October 2, 2025 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No winners of major lotto draws on Friday, May 1, 2026
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan


Ipinakita ni Rochelle Pangilinan ang good vibes sa set ng 'Child No. 82.'

Lubos na nag-enjoy si Kapuso actress Rochelle Pangilinan sa shooting ng Cinemalaya entry film na Child No. 82.

Dream come true para kay Rochelle na mapabilang sa isang Cinemalaya film at lalo pang naging espesyal ang experience niya dahil sa mga nakatrabaho niya dito.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang isang blooper ng eksena niya kasama sina JM Ibarra at Irma Adlawan.

Makikita ditong nagtatawanan sina Rochelle at Irma matapos magbitaw ang isang linya ang beteranang aktres.

Maririnig din na tumatawa kasama nila ang ilang miyembro ng crew.

"Action, drama at comedy.. Dito muna tayo sa comedy na hindi kinaya ang eksena! Kakaldag na sana.. @irma_mahlee @jmdibarra," sulat ni Rochelle sa kanyang post.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Ang Child No. 82 ay kuwento ni Max (JM Ibarra), binatang kailangan patunayan na siya ang ika-82 anak ng yumaong sikat na action-fantasy movie star na si Maximo "Boy Kana" Maniego Jr. (Vhong Navarro) para makatanggap ng porsiyento ng pamanang iniwan nito para sa mahigit 80 niyang mga anak.

Gaganap si Rochelle bilang nanay ni Max sa pelikula.

A post shared by Jd Tiri Tacata (@outplay_johndel)

Isa ito sa sampung full-length entries para sa 21st Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ang tema ng Cinemalaya ngayong taon ay "Layag sa alon, hangin, at unos."

Tatakbo ang prestihiyosong film festival mula October 3 hanggang October 12 sa Shangri-La Plaza.

Mapapanood ang Child No. 82 sa mga sinehan simula October 4.