GMA Logo rochelle pangilinan
Image Source: rochellepangilinan (Instagram)
What's on TV

Rochelle Pangilinan, nagpaalam sa TVJ bago nakapag-guest muli sa 'Eat Bulaga!'

By Jimboy Napoles
Published December 4, 2023 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robotic system seeks to transform traditional excavation techniques
State of local emergency declared in Tawi-Tawi town due to fuel supply shortage
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong

Article Inside Page


Showbiz News

rochelle pangilinan


Sa muli niyang pagtungtong sa 'Eat Bulaga' set, humingi ng pahintulot si Rochelle Pangilinan sa orihinal hosts ng noontime show na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon at sa dating management nito bilang pagtanaw ng utang na loob.

Feeling nostalgic si Rochelle Pangilinan sa kanyang pagbabalik sa Eat Bulaga! set noong Sabado, December 2.

Nag-guest si Rochelle sa noontime show bilang isa sa mga judge ng segment na “Dancing Duo Double Double EB Fam Edition.” Mapapanood siya sa programa sa lahat ng Sabado ng Disyembre.

Hindi maikakaila na Eat Bulaga! ang nagpasikat kay Rochelle na nagsimula bilang lider ng all-female dancing group na SexBomb kaya aminado siyang naapektuhan din siya sa naging isyu ng programa, ayon sa kanyang Instagram post kahapon.

Bahagi niya, "Twenty-eight years ago, ako unang tumuntong sa stage ng Eat Bulaga. Trese anyos pa lang ako nun pero naalalala ko pa yun hanggang ngayon.

"Nung lumipat ang TVJ at ang original Eat Bulaga hosts sa TV5, tulad ninyo, naapektuhan din ako at nasaktan."

Sa kanyang muling pagtungtong sa Eat Bulaga! stage, pareho ang saya na kanyang naramdaman na makapag-perform sa harap ng Dabarkads sa kabila ng bagong format nito.

Patuloy niya, "Sa araw na ito, aapak ako uli sa entablado ng Eat Bulaga. Iba na ang mga karakter sa paligid pero ang excitement at saya na nararamdaman ko ay tulad pa rin ng dati - sabik ako laging mag-perform nun sa Eat Bulaga kasama ang TVJ at ang dabarkads, sabik pa rin akong sumayaw sa bagong Eat Bulaga kasama kayo."

Pag-amin pa ni Rochelle, humingi siya ng pahintulot sa mga orihinal hosts nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon at sa dating management nito bilang pagtanaw ng utang na loob.

"Bilang pagtanaw ng respeto sa Eat Bulaga, TVJ, at original Dabarkads, pitong buwan ang pinalipas ko bago pa man ako nangahas makapasok man lang sa bagong Eat Bulaga.

"May takot. May pag-aalinlangan. Pero kumakapit ako sa paniniwalang dahil gusto ko lang i-share ang talento kong ibinigay niya, ako ay tatanggapin ninyo.

"Nagpasintabi po ako sa original Eat Bulaga hosts and management bago ako umabot sa puntong ito."

Lubos namang nagpapasalamat si Rochelle sa mga kasamahan niya noon sa noontime show bilang pag-unawa sa pag-guest niya sa bagong Eat Bulaga!

"Magpapasalamat na rin ako sa mga kasamahan ko dati at naunawaan nyo ang pag-guest ko ngayon.

"Bilang nanay na ako, nais kong ang mga kilos ko ay maipapgmamalaki ng anak ko, ng asawa ko at ng mga mahal ko sa buhay.

"Maraming salamat sa inyong bukas na pag-iisip."

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Sina Paolo Contis, Isko Moreno, Glaiza De Castro, Wyn Marquez, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Arra San Agustin, Chariz Solomon, at Alexa Miro ang mga bagong host ng Eat Bulaga!

Kasama rin sa mga bagong nagpapasaya sa programa tuwing tanghali sina Buboy Villar, Betong Sumaya, Yasser Marta, Michael Sager, Kimpoy Feliciano, at Dasuri Choi.