
Isang malaking pasasalamat ang inilahad ni Rochelle Pangilinan sa produksiyon Pulang Araw, kasabaya ng pamamaalam niya sa kanyang karakter dito na si Amalia.
Sa kaniyang Instagram post ay inihayag ni Rochelle ang kaniyang pagmamahal sa mga kumapit sa kuwento ni Amalia. Si Rochelle ay gumanap bilang Amalia Dimalanta-Torres, isa sa mga comfort women sa Pulang Araw.
Ang kaniyang husay sa pagganap bilang Amalia ay isa mga tinutukan ng mga sumusubaybay sa Pulang Araw.
Kagabi, December 6, ipinakita na ang huling bahagi ng kuwento ni Amalia. Kaya naman nagiwan ng mensahe si Rochelle sa mga manonood.
Ani Rochelle, "Maraming salamat sa lahat ng kumapit at nagmahal kay Amalia."
Saad pa niya, "Ako rin mahal na mahal ko si Amalia. Thank you, Amalia. Isa ka sa mga dahilan kung bakit malaya kami ngayon."
Nagpasalamat din si Rochelle sa aral na natutunan sa Pulang Araw.
"Thank you, Pulang Araw. Marami kayong naituro sa amin. Salamat po, hanggang sa muli."
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Rochelle Pangilinan is a proud morena
Samantala, sa isa pang post ay ipinakita ni Rochelle ang kaniyang mga paboritong eksena bilang Amalia sa Pulang Araw.
"Ito ang ilan sa mga paborito kong eksena at hindi magging posible ang mga unforgetable scenes na to kundi dahil sa mga UNSUNG HEROES ng production!"
Nagpasalamat din si Rochelle sa lahat ng bumubuo ng Pulang Araw. Aniya, "Saludo po ako sa inyong lahat na bumubuo mg prduksyon ng Pulang Araw!"
Balikan ang huling bahagi ng kuwento ni Amalia sa Pulang Araw rito: