
Puno ng pasasalamat si Rochelle Pangilinan sa natanggap na suporta ng SexBomb Get, Get Aw! RAWnd 3, 4, 5 concert.
Ginanap ang "RAWnd 3, 4, 5" concert ng SexBomb Girls sa SM Mall of Asia Arena noong February 6, 7, at 8, 2026.
PHOTO SOURCE: @rochellepangilinan/ @renzpangilinan
Saad ni Rochelle sa kaniyang recent social media post.
"Hindi inasahan.
Hindi pinlano maging ganito kalaki.
Pero natupad ang mga pangarap. ❤️🔥
Ang roller coaster ride ng round 3 4 at 5
Kayo ang saksi sa lahat ng ito, dahil kasama namin kayo sa pagbagsak hanggang sa pagbangon..
Ganito ang pakiramdam…
Round 3: GIGIL.
Round 4: PAGSUBOK.
Round 5: REDEMPTION."
Ayon pa kay Rochelle, ang kanilang pasasalamat sa sigawan at palakpakan ng mga "pinalaki ng SexBomb." Ang mga "pinalaki ng SexBomb" ang bansag sa loyal fans ng sikat na all-girl group.
"Bumangon kami dahil sa lakas ng sigawan at palakpakan ng pinalaki ng Sexbomb.
Dahil sa inyo.
Maraming maraming salamat sa inyong lahat! 💃
Magkita tayo sa muling pagbukas ng ilaw."
Samantala, inanunsyo rin ni Rochelle na may aabangang "RAWnd 6" Manila concert ang kanilang fans. Bukod pa rito, may tour ang SexBomb Girls sa UAE sa March 27 at 28. Susundan pa ito ng US tour sa May 16 at May 23.
BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA REUNION CONCERT NG SEXBOMB GIRLS: