
Puno ng pasasalamat si Rochelle Pangilinan ngayong opisyal na siyang bahagi ng Sparkle.
Pumirma si Rochelle Pangilinan ng kontrata sa Sparkle ngayong Martes, August 20. Kasama ni Rochelle sa araw na ito sina GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes, First Vice President of Sparkle Joy Marcelo, at si Perry Lansigan ng PPL Entertainment Inc.
Kuwento ni Rochelle sa mga dumalo ng kaniyang contract signing, masayang masaya siya na bahagi na siya ng Sparkle. Una niyang pinasalamatan si Perry Lansigan. Ani Rochelle, "Mama Pers, unahin na kita, maraming salamat sa pag-aalaga mo."
Saad pa ni Rochelle ang pasasalamat sa paggabay at pag-aalaga ng GMA Network sa kaniyang career.
"Natutuwa ako kasi lumaki 'yung pamilya na ginagalawan ko. Sa tagal-tagal ko po sa GMA, ang sarap mag-alaga talaga ng GMA.
Matatandaang unang nakilala si Rochelle Pangilinan sa all-girl dance group na Sexbomb Dancers. Nakilala rin si Rochelle sa kaniyang mahuhusay na pagganap sa iba't ibang karakter sa Encantadia, Mga Lihim ni Urduja, at marami pang iba. Mapapanood naman ngayon si Rochelle sa Pulang Araw sa GMA Prime.
Sa kaniyang pagpirma sa Sparkle, nangako si Rochelle na paghuhusayan niya ang bawat proyektong kaniyang gagawin.
"Umasa po kayo gagalingan ko. Ibibigay ko ang one hundred percent na makakaya kong ibibigay... Salamat po sa trust. Thank you po."
Congratulations and welcome to Sparkle, Rochelle Pangilinan!
SAMANTALA, NARITO ANG MGA NAGANAP SA 42ND BIRTHDAY NI ROCHELLE: