What's Hot

Rochelle Pangilinan, nakikitaan na ng talent sa pagsasayaw si Shiloh

By Dianara Alegre
Published September 11, 2020 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

rochelle pangilinan shiloh solinap


Ayon kay Rochelle Pangilinan, 'tila namana ni Shiloh Jayne ang talento niya at ng dancer-actor niyang asawa na si Arthur Solinap sa pagsasayaw, “'Yung bali ng katawan niya ang lambot-lambot tapos nasa timing.”

Ibinahagi ni Kapuso actress Rochelle Pangilinan na sa murang edad ng baby niyang si Shiloh Jayne ay nakikitaan na niya ng hilig at talento sa pagsasayaw.

Sa panayam ng 24 Oras, ikinuwento ng SexBomb Girls member kung paano niya napansing may hilig sa pagsasayaw ang firstborn nila ng aktor na si Arthur Solinap.

Rochelle Pangilinan at Shiloh Jayne

Source: rochellepangilinan (IG)

“Nung nagpatugtog si Arthur ng 'Wheels On The Bus,' biglang sumayaw.

"'Yung isolationng katawan niya, 'yung bali ng katawan niya, ang lambot-lambot 'tapos nasa timing,” aniya.

Nagtataka rin si Rochelle kung paanong natutong sumabay sa saliw ng tugtog si Shiloh gayong hindi naman siya nakikita ng anak na sumayaw.

“'Pag napapanood niya ako sa 'Encantadia,' 'pag nakikita niya lang ako, tinuturo niya lang ako.

"Pero 'yung sumayaw, hindi niya ako nakitang sumayaw.

“'Pag naman may workout class ako every morning, tulog pa siya ng time na 'yon. 7:00 am to 8:00 a.m.,” aniya.

Kembot is real! 😅

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Our little bunny ❤️

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Binanggit din ng aktres na okay lang sa kanyang kung sakaling pasukin ni Shiloh ang showbiz balang-araw.

“Bakit hindi? Kaya lang una talaga sa akin, pag-aaral. Kung kaya niyang pagsabayin, why not?

"Pero sana mag-aral muna siya,” aniya.

Samantala, kahit September pa lang ay puno na ang bahay ng aktres ng mga Christmas décor.

Ayon sa kanya, naging tradisyon na sa kanya ang pagsalubong sa Pasko nang maaga.

“Kahit quarantine ngayon okay lang kasi darating at darating pa rin ang Pasko. Kaya dapat happy pa rin tayo,” sabi pa ni Rochelle.

Ang importante buo kami at masaya at iyon ang dapat naming ipagpasalamat araw araw sa Diyos! 🙏🏼

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on