
Ibinahagi ni Sexbomb alumna na si Rochelle Pangilinan ang kanyang first impression tungkol sa asawang si Arthur Solinap sa larong “TaranTanong” ng Mars Pa More kamakailan.
Sa segment na ito, kailangan sagutin ni Rochelle ang tanong na: “Alin sa mga ito ang first impression mo kay Art bago kayo naging mag-asawa? A. Babaero, B. Gimikero, C. All of the above.”
Photo courtesy: GMA Network (YouTube)
Nakatutuwang pasigaw na sinagot ng celebrity mom, “All of the above!”
Nang tanungin si Rochelle kung bakit ito ang kanyang sagot, sabi niya, “Eh kasi naman, ang asawa ko naman ay talaga nga namang napaka-gwapo.”
Dugtong pa niya, “Gwapo tapos may abs. Sila yung sa SOP before na kapag may tumugtog na magandang music, nagmo-model-model lang. Ako pawis na pawis kakasayaw, sila lalakad lang bayad na.
"Siyempre do'n ako sa A. Una babaero kasi nililigawan ako, may nililigawan din siyang iba.”
Ayon kay Rochelle, lagi din daw sila gumimik dati noong sila'y bata bata pa.
“Gimikero, yes, lagi kaming gumigimik. Dati, ano naman 'yan kumbaga kabataan din. So, siyempre ang stamina mo kahit everyday kang gumimik okay lang at kaya natin mag-segue segue. All of the above,” pagbahagi ng aktres.
Tinanong naman ni Mars host Camille Prats kung paano nagbago ang first impressions ni Rochelle kay Arthur.
Paliwanag niya, “Noong minsan napaaway ako sa isang lugar na naging issue siya tapos sinundo niya ako sa airport tapos dinala niya ako sa church nila.
“So sabi ko, 'O sige try natin' and then ayun na naging seryosohan.”
Ayon kay Arthur, dinala niya noon si Rochelle sa simbahan dahil hindi ito naniniwala kay God dahil sa mga nangyari sa kanyang ama.
Aniya, “So sabi ko, 'try ko lang dalhin siya' tapos after no'n imbis na ako yung magturo sa kanya ng Christian, siya na ngayon taga-remind sa akin. At least nagtulungan kami for the better.”
Panoorin ang nakatutuwang mga sagot nina Rochelle at Arthur sa Mars Pa More video sa itaas.
Kapag hindi naglo-load ang video sa itaas, maari itong panoorin dito.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, patuloy na subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 a.m. sa GMA.
Samantalaga, muling balikan ang napakagandang wedding nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap dito: