
Kakaiba umano ang naging first date ng celebrity couple na sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap. Imbes kasi na ang aktres lang ang ka-date ni Arthur, kasama umano ni Rochelle ang buong SexBomb Girls, at maging ang manager niya sa naturang date.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 26, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang first date nina Rochelle at Arthur kung saan balita noon na kasama ng dancer-actress ang girl group niya na SexBomb Girls.
Kuwento ni Rochelle, nagte-taping sila noon para sa Daisy Siete sa Tagaytay nang mag-aya umano si Arthur na mag-dinner.
“Hindi po ako kumportable na kami lang dalawa so sinama ko lahat ng SexBomb,” paliwanag ng aktres.
Dagdag ni Arthur, “Hindi lang SexBomb. Manager niya, 'yung ibang staff. [Alam mo?] Hindi, nagulat ako nu'ng (pagdating).”
TINGNAN ANG DINNER DATE CELEBRATION NINA ROCHELLE AT ARTHUR NG KANILANG 6TH WEDDING ANNIVERSARY SA GALLERY NA ITO:
Paliwanang ng Pulang Araw star ay ayaw niya muna magpaligaw kay Arthur noong mga panahon na 'yun na magka-love team pa lang sila dahil baka maapektuhan ang kanilang trabaho.
“Nag-long table bigla. Hindi, hindi po kami nakapag-usap tapos ang layo ko sa kanya. Tapos ang ingay-ingay ko lang po kasi ayokong kausapin niya 'ko e. Ayoko, baka mamaya, manligaw tapos sabihin ko, hindi,” dagdag pa ni Rochelle.
Tanong ni Boy kay Arthur, “Were you disappointed?”
Mabilis na sagot ng Widows' War star, “Oo kasi gusto siyang masolo, sana, date, ta's biglang 'Ay, cast party pala 'to.'”
Sabi ni Rochelle, kahit hanggang ngayon, ilang taon matapos silang ikasal at may anak na, ay hindi pa rin umano maka-move on si Arthur at lagi pa ring kinukwento ang nangyari sa kanya.
Sa ngayon, pag-amin ng celebrity couple, ay “up and down” ang kanilang relationship.
Paliwanag ni Arthur, “Siyempre, as a normal na mag-asawa, nadadaanan namin kung ano rin 'yung nadadaanan ng ibang mag-asawa. Trials, pagsubok.”