GMA Logo Rochelle Pangilinan at child no 82 screening
Source: rochellepangilinan (IG)
What's Hot

Rochelle Pangilinan, thankful sa suporta ng celebrity friends sa pelikulang 'Child No. 82'

By Marah Ruiz
Published October 11, 2025 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss Universe Organization releases statement regarding ownership
Chavit Singson claims talks on Miss Universe acquisition; MUO denies ownership changes
Negros Occ records over 260 road mishaps

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan at child no 82 screening


Thankful si Rochelle Pangilinan sa suporta ng celebrity friends niya sa block screening ng 'Child No. 82.'

Lubos ang pasasalamat ni Kapuso actress Rochelle Pangilinan sa Cinemalaya film niyang Child No. 82.

Damang-dama ni Rochelle ang pagmamahal ng kanyang fans at celebrity friends nang mag-organize ng block screening para sa pelikula ang kanyang manager na si Perry Lansigan.

Dumalo rito sina Jean Garcia, Mosang, John Feir, Gabby Eigenmann, Paul Salas, Mitzi Josh, at ilang miyembro ng Sexbomb Girls.

Spotted din sa block screening National Artist for Films and Broadcast Arts Ricky Lee, award-winning director Louie Ignacio, at Child No. 82 director Tim Rone Villanueva.

Nagpakita rin ng suporta kay Rochelle ang kanyang pamilya at fan club niyang Rocaholics.

"Napakahusay! Congratulations sa team. May drama, may comedy--lahat ng genre, nandito. Ang ganda ng visuals, ang galing ng direktor. Ang mga artista, magagaling--lalo na ang kapatid naming si Roc. Kailangan, mapanood ninyo. lLahat ng generation, pasok sa banga," pahayag ni Jean.

Ibinahagi naman ni Rochelle ang ilang highlights ng gabi sa isang maikling video sa Instagram.

"Block Screening of Child No. 82!

"Maraming salamat sa lahat ng pumunta at sumuporta, from my friends sa Sexbomb girls!❤️🙏
ate @chic2garcia @mosang72 @johnfeir17 @gabbyeigenmann my family @paulandre.salas to my fans! @rocaholicsofficial_ig
Thank you! 🙏🙏🙏

"Lalo na sa management ko ang PPL Entertainment, kay Mama Perry @ppl_perrylansigan sa pa-block screening mo and ofcourse sa Sparkle family!" sulat ni Rochelle sa Instagram.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Ito ang first Cinemalaya film entry ni Rochelle na matagal nang nangangarap na maging bahagi ng prestihiyosong independent film festival.

Ang Child No. 82 ay kuwento ni Max (JM Ibarra), binatang kailangan patunayan na siya ang ika-82 anak ng yumaong sikat na action-fantasy movie star na si Maximo "Boy Kana" Maniego Jr. (Vhong Navarro) para makatanggap ng porsiyento ng pamanang iniwan nito para sa mahigit 80 niyang mga anak.

Gaganap si Rochelle bilang nanay ni Max sa pelikula.

Isa ang Child No. 82 sa sampung full-length entries para sa 21st Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ang tema ng Cinemalaya ngayong tayon ay "Layag sa alon, hangin, at unos."

Tatakbo ang prestihiyosong film festival mula October 3 hangang 12 sa Shangri-La Plaza.