
Bibida sa Kapuso actress Rochelle Pangilinan sa isang nakakakilabot na bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Haunted House for Rent," gaganap dito si Rochelle bilang single mother na si Grace.
Dahil sa kakulangan ng pera, mapapalayas sila sa kanilang inuupahang apartment.
Buti na lang, iaalok sa kanya ng isang kaibigan na maging caretaker ng isang lumang bahay.
Sa paglipat niya doon kasama ang kapatid at anak niya, makakaranas sila ng kakaibang mga pangyayari.
May mga masasamang espiritu nga ba sa bahay na ito? Paano ililigtas ni Grace ang pamilya mula sa mga kalabang hindi niya nakikita?
Bukod kay Rochelle, bahagi rin ng episode si Vaness del Moral at Marco Masa.
Abangan ang brand-new episode na "Haunted House for Rent," September 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.