GMA Logo Rocky Salumbides Pia Pilapil
What's Hot

Rocky Salumbides confirms relationship with Pia Pilapil

By Bianca Geli
Published June 13, 2022 5:39 PM PHT
Updated June 14, 2022 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Rocky Salumbides Pia Pilapil


Si Rocky Salumbides ang ex-boyfriend ng aktres na si Eula Valdes.

Personal na kinumpirma ng aktor na si Rocky Salumbides ang bago niyang relasyon kay Pia Pilapil, anak ng aktres at First Lady star na si Pilar Pilapil.

Makikita ang "In a Relationship with Pia Pilapil" post sa Facebook ni Rocky at litrato nilang magkasama ni Pia ang profile picture nito sa Facebook at Instagram.

Naging matunog ang diumano paghihiwalay nina Rocky at aktres na si Eula Valdes matapos ang kanilang mahigit 13 na taon na relasyon.

Makikitang wala na rin ang mga post sa Instagram ni Eula na kasama ang dating nobyo.

Isang post na ibinahagi ni eulavaldes (@eulavaldes)

May dalawang anak si Eula -- si Miguel na anak niya sa former husband na si Ronnie Quizon at si Juliana na anak niya sa pangalawang ex-husband niyang si Richard Litonjua.

Si Pia ay may apat na anak--sina Andrea, Juliana, at Sophia, sa ex-husband na si Gerry Gonzalo, dating modelo at atleta na kabilang noon sa Philippine Team na nabulag matapos ang isang aksidente.

Samantala, balikan ang ilang celebrity breakups na ikinagulat ng mga fans: