
Matapos ang kabi-kabilang lock-in taping ng Kapuso Actor na si Rodjun Cruz ay sa wakas nagkaroon na rin siya ng time para makasama ang pamilya. Ang kanyang asawa namang si Dianne Medina ay busy rin sa kanyang mga brand endorsements.
Matapos ang kaarawan ni Dianne, nagtungo ang kanilang pamilya sa Zambales para doon ay saglit na magbakasyon kasama ang kanilang anak na si Baby Joaquin.
Matching outfits pa ang tatlo sa isang Tiktok video na ipinost ni Rodjun sa kanyang Instagram. Nakasuot ng floral top sina Rodjun at Baby Joaquin habang naka-floral dress naman si Dianne.
"Matching outfits! Kaya hindi puwedeng Walang TikTok! Love you both so much @dianne_medina @babyjoaquinilustre #FamilyVacation #TeamILustre #ILustreSquad" caption niya sa kaniyang post.
Mapapanood si Rodjun Cruz bilang isa sa leading men ni Jo Berry sa upcoming GMA series na Little Princess.
Disyembre ng taong 2019 ikinasal sina Rodjun at Dianne, halos isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib ay biniyayaan naman sila ng anak na si Baby Joaquin.
Silipin sa gallery na ito ang masayang pamilya nina Rodjun Cruz, Dianne Medina at Baby Joaquin.