
Mula sa intense rehearsals hanggang sa finale, napatunayan ng dance star duos ang kanilang talento sa pagsasayaw. Ngunit, isa lamang sa kanila ang tunay na nag-stand out sa final dance battle.
Ngayong Sabado, October 18, itinanghal na ultimate dance star duo ang The Phenomenal Millennials na sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi matapos maghatid ng isa na namang nakakatayong-balahibong performance na puno ng matinding liftings.
Sa piyesang ginawa ni Coach Macky Quiobe, ipinakita nila ang kanilang buong puso at inalay ang performance para sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.
Nakalaban nina Rodjun at Dasuri sa dance showdown ang The Dream Star Duo na sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre.
Sa exclusive interview ng GMA Network.com, nagpasalamat ang dalawa sa kanilang mga coaches na nagsilbing inspirasyon upang lalo pa silang matuto at pagbutihin ang kanilang performances.
“Super, as in super galing nila 'e, like I am really honored to be part of this show because of them, because I get to learn from the best of the best choreographers in the Philippines,” sabi ni Dasuri.
Nagpasalamat naman si Rodjun dahil sa tiwala at suporta ng kanilang mga coaches.
Aniya, “Sobrang na-a-appreciate namin kayo kasi grabe 'yung tiwala niyo sa amin, 'yung pag-push niyo sa amin always, so mahal namin kayong mga coaches.”
Congratulations, Rodjun at Dasuri!
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor: