GMA Logo Running Man Philippines cast and Rodjun Cruz
What's Hot

Rodjun Cruz at 'Running Man Philippines' cast, pinasaya ang mga Kapuso sa Bacolod

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 17, 2022 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PPA issues reminders for fur parents, plantitas for Holy Week 2026 travel
John Clifford, Marco Masa are featured in international lifestyle magazine
Motorist evades payment for gas in Bacolod

Article Inside Page


Showbiz News

Running Man Philippines cast and Rodjun Cruz


Nagbigay saya ang Kapuso stars na sina Rodjun Cruz, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Kokoy De Santos sa mga Kapusong Bacolodnon!

Maagang dumating ang Kapaskuhan sa mga Bacolodnon nang pasayahin sila ng Kapuso stars na sina Rodjun Cruz, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Kokoy De Santos sa Ayala Malls Capitol Central sa Bacolod City.

Humataw sa kantahan at sayawan si Rodjun, na masayang naipagdiwang ang kanyang ika-10 anibersaryo sa GMA sa tinaguriang "City of Smiles."

"Sabi ko nga, babalik-balik talaga ako sa Bacolod kasi grabe ang pagmamahal at laging warm 'yung welcome sa amin dito," saad ni Rodjun sa report ni Adrian Prieto ng GMA Regional TV One Western Visayas sa 24 Oras.

Bukod sa panghaharana sa mga nanood, tila naging isang malaking Christmas party naman ang mall show nang tumapak na sa entablado ang celebrity runners ng Running Man Philippines na sina Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Kokoy De Santos.

"Salamat po kasi nakakatuwa na makita 'yung mga mukha ninyo na masaya kayo," pasasalamat ni Lexi.

Dagdag ni Angel, "Makikita mo talaga na may mga sumusunod na suporters kaya nakakatuwa."

Pagtatapos ni Kokoy, "Sobrang na-appreciate namin 'yung love and support nila sa amin."

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)

Mapapanood ang season finale ng Running Man Philippines ngayong Sabado, 7:15 p.m., at sa Linggo, December 18, 7:50 p.m.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING PAGLALAKBAY NINA LEXI, ANGEL, AT KOKOY AT IBA PANG CELEBRITY RUNNERS DITO SA GALLERY NA ITO: