
Mas pinainit pa ng dance star duos ang dance floor sa ikalawang linggo ng Stars on the Floor dahil nag-perform ang mga ito ng mas malupit at mas challenging na mga genre ng sayaw.
Pinahanga nina Rodjun Cruz at Zeus Collins ang dance authorities sa kanilang contemporary dance performance na naging dahilan upang sila ay hirangin bilang 2nd top dance star duo noong Sabado, July 5.
Nakipag-showdown sina Rodjun at Zeus sa jazz duo na sina Glaiza De Castro at Joshua Decena, na kabilang sa top 2 contenders bago inanunsyo ang napiling top dance star duo.
Sa comments section ng naturang show, umulan ng papuri para kina Rodjun at Zeus at marami ang nagsabing “deserve” nila ang kanilang pagkapanalo, lalo na at bagay raw sa kanila ang ganitong klase ng genre.
Sa isang Instagram post, tinawag ni Rodjun ang kanilang performance ni Zeus na "one for the books." Nagpasalamat naman si Zeus sa comments section.
"Masaya ako nakasama kita sa dance floor. Pinapanood ko lang dati at humanga ngayon, nakasayaw ko pa. Salamat ng marami my brother, RODJUN," sabi nito.
Matatandaang sina Thea Astley at JM Yrreverre ang itinanghal na unang top dance star duo noong pilot episode ng Stars on the Floor.
Tutukan ang mas pasabog pang performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang pilot episode ng Stars on the Floor: